FANDOM

Televido

nakikilala rin bilang Viktor Nonong Medrano

Burokrata Tagapagtatag
  • Nakatira ako sa Lulu Island in Canada
  • Ang aking hanapbuhay ay Scientist, Artist
  • Ako ay Male
Nonong

Viktor Nonong Medrano

AkoEdit

Ako po si Viktor "Nonong" Emmanuel Medrano Medrano, isang Pilipinong nakatira sa Kanada. Nagtagal ako sa Hapon. Tagalog ang katutubong wika ko. Medyo nakakabasa ako ng ilang wikang Latino bilang ang Kastila, Portuges, Pranses, Italyano, at Katalan, at ng wikang Hapones at iba pang mga wikang Asyano.

Natutuwa ako sa mga wikang guni-guning Esperanto, Lojban, Interlingua, Volapük, at Elefen. Sa mga wikang ito ko napapansin ang espiritwalidad. Ang Naranghang Panaginip ko ay gumawa ng wikang guni-guning Oryental na mas malawak sa natural. Kung minsan sa mga anime na pinanunuod ko ay may mga inimbentong sulat-sulat na Oryental. Ang Ubeng Panaginip naman ay ang Lojban na komprehensibo ang gramatika at may nakakatuwang ponolohiya.

Mahilig ako sa kosmolohiya, magbiyahe, pagkain, kalikasan, anime, wikang guni-guni, at piksiyong espekulatibo.

Nasasarapan akong uminom ng tsaang mabula. Mahilig akong kumain ng tokwa. Ang mga paborito kong prutas ay ang pakwan, durian, makopa, ume, at langka. Sa lutuing Pilipino, paborito ko ang kaldereta at laing.

Nararamdaman ko ang espiritwalidad sa kalikasan, parte ng kosmolohiya na mas malawak sa astronomiya. Ang okupasyon ko sa panaginip ay maging eksobiyolohista o astrobiyolohista. Naniniwala ako sa buhay sa labas ng Tiyera.

Bumisita na ako sa Alemanya, Awstriya, Batikano, Belhika (daan ng tren), Britanya, Ehipto, Espanya, Gresya, Indonesia, Italya, Liechtenstein, Maruekos, Meksiko, Nederlands, Portugal, Pransiya, Singgapur, Suwisa, Taylandiya, Timog Korea, Tsina, at Turkiya. Tumira na ako sa Estados Unidos, Hapon, Kanada, at Pilipinas na pinanganak ako. Gusto ko pang marating ang Awstralya, Brasil, Byetnam, Finland, Guatemala, Madagaskar, Pranses na Guiana, Pranses na Polinesya, Sri Lanka, Suwesya, at Timog Aprika.

Sina Olaf Stapledon, Larry Niven, Isaac Asimov, Piers Anthony, at Samuel Delany ang kasali sa mga paborito kong manunulat. Mahilig ako sa piksiyong espekulatibo na pinagsamasama ang siyensiyang piksiyon at pantasya. Nadidiskubre ko ang espiritwalidad sa binabasa ko.

Ang lahi kong etniko ay Pilipino, Kastila, Intsik, Griyego, Portuges, at Hudyo. Ang edukasyon ko ay sa unibersidad na UBC sa Inhinyeriyang Pangkimika at Agham Pangkompyuter na tinapos ko nang Batsilyer noong 1989.

Bumisita po sa aking mga sinusulat sa aking mga kontribusyon sa Esperanto, Kastila, Pranses, Interlingua, Hapones, Lojban, Elefen, at Tagalog.

Ang Habi KoEdit

eo es fr ia ja jbo lfn tl

Ang Relihiyon at Iba PaEdit

Sari-sariEdit

Ang Hardin ng mga Wikang Guni-guni KoEdit

Malayong IstoryaEdit

Sulat ng Tatay Kong si Frank (Jun) MedranoEdit

Kahilihili ang AfrihiliEdit


Pangunahing Kontribusyon KoEdit

Antropolohiya | Corea Sude (lfn) | Maharlika | Makopa | Pilipinas (lfn) | Tagalog (lfn) | Talaarawan

LarawanEdit

  • Viktor, UBC, 2016
  • Viktor, México, 1992
  • Viktor, Isla Lulu, 2016
  • Victor, Isla Lulu, 2016
  • Nonong, Isla Lulu, 2014
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.